Thursday, July 2, 2009

sangkap ng pagbabalita

Pagsulat ng Balita
3 Sangkap ng Pagbabalita

1. Katiyakan
2. Kalinawan
3. Istilo
Mga mungkahi sa mahusay na Pagsulat
1. Isang ideya lamang sa bawat pangungusap
2. Limitahan ang bilang ng mga salita sa pangungusap. Hanggang maaari ay 23-25 lamang ang
gamitin. Isang paraan ng pagsubok-basahin ito nang malakas ng hindi humihinga. Kung hindi
mabasa nang walang hinto, mahab ang pangungusap.
3. Tiyaking maayos at lohikal ang pagkakahanay ng mga kaisipan. Maging tuwiran, huwag
antalahin ang kahulugan ng mga kaisipan. Huwag gumamit ng maraming kuwit sa paglalahad.
4.Gumamit ng mga matitindi at maaalab na pandiwa na nasa aktibong tinig.
5. HAnapin ang mga simpleng salita sa halip na malalalim.
6. Huwag gumamit ng parehong salita sa isang pangungusap. Humanap ng iba pang
kasingkahulugan nito kung kinakailangan.
7. Piliin ang mga angkop na salita para sa mga tiyak na gamit sa balita.

sipi mula sa
Tuklas 1V